Ang numero ng jueteng sa Kalakhang Maynila ay mula blg 1 hanggang 37. Pipili ka ng 2 kombinasyon na binubuo ng mga numero mula 1 hanggang 33 (halimbawa, 2x33, 1x34, etc.). Pwede rin tumaya ng dalawang magkaparehong numero. Ang tawag dito ay pompyang (hal. 21x21, 19x19, etc) Ang tatamaan ng halangang piso, tumbok ay Php 700.00. Kung gitna ay Php 350.00 (ang ibinibigay ng bangka sa kabo ay P900 sa pisong tumbok. Binabawasan na ng kabo at kubrador ang kanilang porsyento kaya P700 na lang ang natatanggap ng tumama).
Maari din tumaya ng 3 o mas marami pang numerong kombinasyon. Ang tawag dito ay kulong (hal. 1x3x5 kulong). Ang tatamaan ng piso sa 3 numero kulong ay P300.00.
Maari din tumaya ng diretsa o isang numero lang. (hal. 1xx, 2xx) Ang mananalong numero ay ang unang bobolahin.
Sa ibang probinsya, ang numero ng jueteng ay 1-38, kung minsan pa ay 1-39. Mas mahirap tumama kapag madami ang numerong pagpipilian.