Philippine Lotto Results | PCSO Lotto Results

Philippine Gambling Area => Bingo => Topic started by: gabotheplaya on December 06, 2011, 06:32:44 PM

Title: Bagong idea. Salamat sa mga magbibigay ng komentaryo. :D
Post by: gabotheplaya on December 06, 2011, 06:32:44 PM
Mga kaibigan,

nagiisip po kami ng mga kasama ko na magsetup ng bagong laro.

hindi pa kami nakikipagusap sa PAGCOR o sa PCSO pero ganito ang idea namin...

Magsisimula kami ng "lotto" sa cellphone na parang bingo din, siguradong may mananalo. plano sana namin 2/20 lang para madali at pagka bunot nakin ng unang 2 na numero, bubunot kami ng pa isa isa hanggang may tumama. sabay pot na lang yun, mas madaming sumali mas malaking premyo.

sa mga nakausap namin sa telco, mga 50% ang kaltas nila at may bayad pa sa kung sinu-sinong ahensya, tapos kita pa namin kahit mga 10% tapos lahat nasa pot na.

gusto sana namin gawing parang bingo yung laro na tipong laging may panalo at malalaro sa bahay via text text lang.

Bilang mga manlalaro ng bingo, ok lang ba yung plano namin?

salamat.  ;D